Dalawang Ube

Kahapon nga’y inaya ako ni Mama na samahan siyang pumunta sa bayan para kunin ‘yung perang pinadala sa kaniya ng inaanak niya mula sa Visaya. Edi, pumayag naman ako kahit na nagtutupi pa ‘ko ng mga damit.  Naligtas nanaman ako sa pagtutupi. Nyahaha. [Hindi ko naman sinadya. Inaya ako ni mama, eh. Masunurin lang talaga ‘ko.]

Nagpunta na kami sa M.Lhuillier. Hindi nakuha ni Mama ‘yung pinadala sa kaniya kasi mali ‘yung middle initial na isinulat ng nagpadala niyang inaanak. Pinayuhan siyang i-text ‘yun at papuntahin sa M. Lhuillier outlet para mabago.

Edi, tumungo na kami sa Galleria Victoria [Robinsons sa Balanga]. Sa pagkaka-alam ko pinangalan talaga ‘to sa asawa ng aming dating Gobernador na ngayon ay Congressman naman ng pangalawang distrito ng Bataan. Hindi lang naman siya ang nasa puwesto. ‘Pagkat hawak lang naman ng angkan nila ang Bataan.

Sa third floor nga pala kami pumunta. Sa department store. At habang tumitingin si Mama ng bibilin, ako naman ay nagmasid lang. May dumating na matandang lalaking nakapula, animo’y parang ‘bull’ na nagwawala. HAHA. Hindi ata nagkasya sa kaniya ‘yung ‘underwear’ na nabili niya gayong tama naman daw ‘yung sukat na nakalagay sa kahon. Hindi pa siya nakuntento, sinigawan pa niya ‘yung sales lady na kausap niya at hinaluan pa ng ingles para magmistulang nakaka-takot sa paningin ng tindera. Nakita ko nga si ate, nangingilid na ang luha. Ayos lang naman na magreklamo sa produktong binili. Sana ayusin lang ‘yung paraan ng pagre-reklamo. Kahit ba na mayaman ka at matanda pa, hindi dahilan ‘yun para maging ‘rude’. LOKO. Gayunpaman, unawain nalang natin ang mga ‘di nakauunawa.

Nakabili na si mama. Sa totoo lang, para sa akin ‘yung binili namin, eh. Underwear nga rin pala ‘yun. HAHAHA.

“Ma, punta tayong Pandayan.” [sinabayan ko pa ng ngiti] “May titignan lang ako”

“Mabuhay!,” bungad ng Pandayan staff. Nagpunta ako agad sa mga libro para hanapin ‘yung bagong labsa na libro ni Bob Ong. Sa sobrang pagka-excite ko, nawalan ako ng pag-asa nung ‘di ko makita yung “Si”. Sabi ko pa nga kay Mama, “Ma, may bibilhin ka pa? Ala ata yung hinahanap ko?” Nahiya naman kasi ako magtanong. Kaya binalikan ko uli ‘yung mga bookshelf.

Nag-hanap ako ‘dun sa mga book na KikoMachine ni Manix Abrera. May naligaw na “Stainless Longanisa”. “Aba, andito lang yun.” Maya-maya. [Sh*t] Nakita ko na. May naka-harang lang pala. Nasa baba, na para bang sinadyang harangan para hindi makita. Pasensya na lang sila. HEHE. Mausisa ata ‘to.

“Ma, ito yun.” Inulit ko pa. “Ma, ito yun.”

Hindi ko ma-explain ‘yung saya ko nung oras na ‘yun. Pero, i-describe ko nalang nga. HAHA. Para akong bumalik sa pagka-bata na para bang nagma-makaawang bilhan ng gustong laruan.

“Magkano ba ‘yan?,” tanong ni Mama.

“P180 po.”

Okay, naglabas ng pera si Mama. Dalawang ube. Kinuha ko naman.  ANG SAYA KO. At dahil may 10% off nga pala, P162 lang ‘yung binayaran ko, este ni Mama.

Mababasa ko na rin ang “Si”.

Maraming Salamat kay Inay, ‘di na kelangan pang mag-hintay!

Maligayang Araw ng mga Ina!

Advertisements

One thought on “Dalawang Ube

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s