Bigat sa pakiramdam ng ganito. Wala akong mapagsabihan. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob. Shit this life.

‘Yoko ng umiyak. Sawa na ako.

Nakakalungkot ng sobra. Bumalik na naman yung dating ako na nag.iisip kung paano ba mawawala ‘tong mga problema ko.

Bata pa lang ako naisip ko na kung pano kaya kung mawala na lang ako. Alam kong masama ‘yun. Pero iyan lang kasi yung naiisip ng mga taong wala nang malapitan.

Patawarin sana ako sa pag.iisip na magpakamatay na lang.

Lord, I believe in you. Please guide me in these tough times. 🙏

Advertisements

I FAILED UPCAT

 

During high school, I was just an ordinary student, though. Yes, an ordinary student who once dreamed of becoming a graduate of University of the Philippines. But, it was not the will of the Lord. I failed the UPCAT. That was February 2, 2013. I can still remember that night when the results were released. I was hoping then to see my name in the list but there is none. Shookt. I was not ready to know that news. I even cried, lying on my bed, the whole night. I felt that I was a disappointment. I was a failure. It was hard for me to accept that I failed to be admitted. I was very sad  knowing that it was really my dream. (Thanks to my parents who constantly supported me and gave me guidance during those days.)

I failed UPCAT. And so?

That moment was an eye-opener. It made me realize that you cannot always get what you want in life.  You cannot have the things go the way you want it. That is life. We have to deal with it. It is a matter of constant change that we have to go with its flow.

Whenever we face struggles, know that God is testing your faith. Believe that you can overcome these trials. He has better plans for you. Trust in Him.

 

Indelible Memory

i have fallen for you
but i tried not to show
that i have been;
and will always be

it was so complex
i, myself, was confused
didn’t know that i’ve been
convinced myself that i’m not

for those times that you’ve showed
that i differ from anyone else
i know that you’ve cared
like i am so special

those moments were so sweet
witnessed by all the stars
these are indelible memories
thank you for making me feel loved

A Good Teacher

The influence of a good teacher is far-reaching. A good teacher makes you feel like you matter. Good teachers motivate, inspire and elevate us and not just for the few moments when we are in their classes, but for our lifetimes.

-Amanda Yardley Luzzader, Chicken Soup for the Soul: Just for Preteens

For the students

Here’s a post from Mr. JM Embate from Facebook.

The trouble with grades is that they are not who we are and what we are capable of.

Grading students is a new form of objectification– all our skills, our talents and potentials quantified into numerical codes. It makes me wonder why we let these numerical codes, inherently meaningless and only given meaning through social convention, have power over us. Uno, dos, singko?–these are just numbers, products of social construction and tools of control. Once you become too obsessed with getting “good” grades, you become an agent of the current system that tries to sustain itself. Ask yourself: why do you want to submit that paper on time? Why spend sleepless nights to make sure your paper will earn an uno? Because you want to please your prof? No. Because you want to prove your worth. No, definitely, no. It’s because you want to pass the course, because you want that uno, that dos, but not that singko. And why do you want to pass the course? Why do you fear a singko? Because you want to graduate on time, to graduate with latin honors. But why so? Because you want to get a good job that will make you earn more money. And what type of job would you want to have to get all the riches you’ve always dreamed of? The job that pleases and maintains the current economy, those that only favor certain skills and ideologies but totally detest and try to eradicate useless talents– a system that furthers social divide, a system that only favors the rich and the powerful. And by being so eager to get that grade, that arbitrary, inherently meaningless grade, what becomes of you? An object of oppression that the rich capitalize on.

Getting “good” grades is different from learning. You could have received an uno from your terror professor but you might still end up estranged by taxonomy, trigonometry, or even the simple act of writing a thesis statement. Have you ever wondered why you hate writing an LRP so much? It’s because of your line of reasoning: “magagamit ko ba tong LRP na to pag naging nurse ako, or engineer or boss ng sarili kong kompanya?” See? Even as students you are now slaves of neoliberalism. Even your reasoning has been tainted by corporate hegemony.

Whatever happened to having that passion to learn? To learn for individual growth? To translate that knowledge into praxis and change the world? To wisdom?

You are so scared of failing, but you’re not scared of not learning.

The moment you fear for your grades is the moment you succumb to the powers that control you and limit you. That’s the moment you let those arbitrary, inherently meaningless numerical codes define who you are, and dictate what you’re only capable of.

SOURCE- https://www.facebook.com/johnmervinembate/posts/10206034055439447?fref=nf&pnref=story

An Unusual Response

 

 

After greeting my friend [Jen] a good day, I received this unusual response.

 “You’ll be a good doctor someday. Keep dreaming. Keep moving. Have a great day.”

Then, I texted her back..

“Someday, we will. Sama ka sa pangarap ko? [Will you join me with my dream?] LOL.”

After this, she replied …

” God’s will. Need to pass medtech and our board exam first, then hopefully, Valenzuela na tayo for medicine, mura don. LOL” [not the whole message]

Another text message from her came in,

 “Sana willing mga siblings ko na tulungan ako.”

With that, I also shared that I have a feeling that my mother is now backing out with my ‘medicine dream’ due to the high tuition fees . And I feel discouraged about it.

“I am hundred percent sure that you would succeed one time in future because you deserve it,” Jen responded.

And I thanked her.

“At least, of all people, you were the only one who gives me thoughts of encouragement… I know that we are worthy of grace. Let’s be patient.

Blessings are not just materials. I consider people around us as blessings from heaven.  Receiving these messages, I know that I am blessed.

If today were the last day of your life, would you want to do what you are about to do today? 

Think long and hard.  And when your answer is NO for too many days in a row, you know it’s time for a change. ”

[marc and angel chernoff]

Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay ang mag-mahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa iba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali. #lalim

[Si by Bob Ong]

Sapagkat ang tanging kaluwalhatian ng buhay ay nasa pag-ibig, at ang sagradong tungkulin ng puso ay ang magmahal, nang walang pangamba sa lahat ng kabutihang maaaring ipadama sa iba sa kabila ng mga pasakit at pagkakamali.

[“Si” ni Bob Ong]

Dalawang Ube

Kahapon nga’y inaya ako ni Mama na samahan siyang pumunta sa bayan para kunin ‘yung perang pinadala sa kaniya ng inaanak niya mula sa Visaya. Edi, pumayag naman ako kahit na nagtutupi pa ‘ko ng mga damit.  Naligtas nanaman ako sa pagtutupi. Nyahaha. [Hindi ko naman sinadya. Inaya ako ni mama, eh. Masunurin lang talaga ‘ko.]

Nagpunta na kami sa M.Lhuillier. Hindi nakuha ni Mama ‘yung pinadala sa kaniya kasi mali ‘yung middle initial na isinulat ng nagpadala niyang inaanak. Pinayuhan siyang i-text ‘yun at papuntahin sa M. Lhuillier outlet para mabago.

Edi, tumungo na kami sa Galleria Victoria [Robinsons sa Balanga]. Sa pagkaka-alam ko pinangalan talaga ‘to sa asawa ng aming dating Gobernador na ngayon ay Congressman naman ng pangalawang distrito ng Bataan. Hindi lang naman siya ang nasa puwesto. ‘Pagkat hawak lang naman ng angkan nila ang Bataan.

Sa third floor nga pala kami pumunta. Sa department store. At habang tumitingin si Mama ng bibilin, ako naman ay nagmasid lang. May dumating na matandang lalaking nakapula, animo’y parang ‘bull’ na nagwawala. HAHA. Hindi ata nagkasya sa kaniya ‘yung ‘underwear’ na nabili niya gayong tama naman daw ‘yung sukat na nakalagay sa kahon. Hindi pa siya nakuntento, sinigawan pa niya ‘yung sales lady na kausap niya at hinaluan pa ng ingles para magmistulang nakaka-takot sa paningin ng tindera. Nakita ko nga si ate, nangingilid na ang luha. Ayos lang naman na magreklamo sa produktong binili. Sana ayusin lang ‘yung paraan ng pagre-reklamo. Kahit ba na mayaman ka at matanda pa, hindi dahilan ‘yun para maging ‘rude’. LOKO. Gayunpaman, unawain nalang natin ang mga ‘di nakauunawa.

Nakabili na si mama. Sa totoo lang, para sa akin ‘yung binili namin, eh. Underwear nga rin pala ‘yun. HAHAHA.

“Ma, punta tayong Pandayan.” [sinabayan ko pa ng ngiti] “May titignan lang ako”

“Mabuhay!,” bungad ng Pandayan staff. Nagpunta ako agad sa mga libro para hanapin ‘yung bagong labsa na libro ni Bob Ong. Sa sobrang pagka-excite ko, nawalan ako ng pag-asa nung ‘di ko makita yung “Si”. Sabi ko pa nga kay Mama, “Ma, may bibilhin ka pa? Ala ata yung hinahanap ko?” Nahiya naman kasi ako magtanong. Kaya binalikan ko uli ‘yung mga bookshelf.

Nag-hanap ako ‘dun sa mga book na KikoMachine ni Manix Abrera. May naligaw na “Stainless Longanisa”. “Aba, andito lang yun.” Maya-maya. [Sh*t] Nakita ko na. May naka-harang lang pala. Nasa baba, na para bang sinadyang harangan para hindi makita. Pasensya na lang sila. HEHE. Mausisa ata ‘to.

“Ma, ito yun.” Inulit ko pa. “Ma, ito yun.”

Hindi ko ma-explain ‘yung saya ko nung oras na ‘yun. Pero, i-describe ko nalang nga. HAHA. Para akong bumalik sa pagka-bata na para bang nagma-makaawang bilhan ng gustong laruan.

“Magkano ba ‘yan?,” tanong ni Mama.

“P180 po.”

Okay, naglabas ng pera si Mama. Dalawang ube. Kinuha ko naman.  ANG SAYA KO. At dahil may 10% off nga pala, P162 lang ‘yung binayaran ko, este ni Mama.

Mababasa ko na rin ang “Si”.

Maraming Salamat kay Inay, ‘di na kelangan pang mag-hintay!

Maligayang Araw ng mga Ina!

The Stolen Belt

The Bogus Pundit

It was a boxing fiht made for the big screen. It was like the last installment of the Rocky Balboa movie franchise. It took them five years to make it happen, and so we waited, because that’s the best thing that we can do. A lot of people thought the fight wouldn’t happpen, but all the doubts were thrown out in the trash can for the date was set: May 2, American time. And so the expectations were raised, and the fighters were left with months to prepare for the biggest fight in boxing history.pac

The atmosphere was nothing but electrifying. It transcended from theMGM Grand, Las Vegas, to the cinema located in our humble city, inside the Philippines. The seats were taken, lights were turned off, and the undercards were forgotten. Finally after five years, the dream would be a reality. The crowd went crazy every time the big…

View original post 566 more words

Wari’y Nakaguhit

Wari’y nakaguhit sa mga pahina,

Mala-komiks, sadyang nakahahalina.

Mga panaginip sa tuwi-tuwina,

Palagpasin, sa tingin ko’y hindi muna.


Ngunit…

Nakabibinging tunog ang s’yang sumira,

Sa mahimbing na tulog na natitira.

Takbo ng istorya’y tuluyang nasara.

Sadyang ako nga’y nabitin, pambihira!


Selepono ang aking unang hinanap,

Tinignan kung ano na ngang nagaganap.

Oras na nga ba upang ako’y humarap,

Sa bagong umagang may dalang pangarap?


‘Di ko pa batid kung saan patutungo,

Ito pong tulang binibigyang dibuho.

Yaon ngang letra’t salita’y gumugulo,

Sa pag-iisip ko na para bang hilo.


Nakapagtataka’t akoy nalilito.

Para saan, ano nga bang layon nito?

Anong nangyari, bakit nagkakagan’to?

Ninanais na ang oras ay huminto.


Itong tula ay isinulat pa noong ika-13 ng Abril 2014.

Sa Mundong Aking Ginagalawan

Sa mundong aking ginagalawan,
‘Di hawak kanilang naramdaman.
Dapat lang na sila’y pakisamahan,
Nang matamo’y pag-uunawaan.


Wala nga raw akong karapatan,
At hindi ko pa raw nalalaman.
Masakit man kung ‘yong mapakinggan,
Wala ring magawa kundi sundan.


Bakit ka nga ba naguguluhan?
Ano bang ‘yong pinaghuhugutan?
Aba! Ba’t maraming tanong naman,
Laging nasa sa iyong isipan?


Positibong isip ang kelangan,
Nang gumanda ang kalagayan.
Bawat bagay, may kahalagahan,
‘Wag kalilimutang magmahalan.


Marapat lamang maging masaya,
Nang ang buhay mo’y ‘di ma-aksaya.
Patunayang ika’y maligaya,
‘Pasalamat sa mga biyaya.

Date a guy who writes.

Take time to read this one. I am a writer, by the way. “He spends an ample time in his room, or on a solitary bench in a public park, or on train and bus stations with his pen and notebook formulating the perfect words, putting life in his lines through wordplay, writing the loveliest poems.”

Mawnstarr ♥

Date a guy who writes. Date that someone who doesn’t concern too much being the best looking man in the world. The guy who doesn’t toil for minutes or hours in front of the mirror. He spends an ample time in his room, or on a solitary bench in a public park, or on train and bus stations with his pen and notebook formulating the perfect words, putting life in his lines through wordplay, writing the loveliest poems. He doesn’t mind being alone on weekend nights in theback-alleysor risking his life climbing the roof just to have an unobstructed view of the sky, to muse with the stars and summon a conversation with the moon. He doesn’t mind battling the cold that bites his skin as long as he tunes the right melody for the song he’s writing for your anniversary,or a guaranteed chapter entry on his book, that he…

View original post 661 more words

“Sa Aking Paglalakad”

Sa’king paglalakad ako ay natigil.

Ano bang dahilan, sinong pumipigil?

Nasilayan kong muli ang isang anghel,

Kaya naman ngayo’y tutula sa papel.


Ang lumbay ay panandaliang nawala,

Matamis na ngiti ang aking napala.

Gayunpaman, pangyayari’y saglit lamang.

Ako’y nabitin, nakakapanghinayang!


Anghel na kasalukuyang lulan ng dyip,

S’yang nilalaman ng aking panaginip.

Hindi rin nagtagal, ako’y nagpaalam.

Muli nang naglakad, t’yan pa’y kumakalam.


Itong tula ay isinulat noong ika-25 ng Abril, 2014.

“Ang Mahiwagang Blah Blah Blah”

-Doraemon-doraemon-35140681-1024-768

Natatandaan mo pa ba ang palabas na “Doraemon”? Kung hindi na, heto ipapa-alala ko sa’yo.

“Ang Doraemon ay isang seryeng manga mula Japan at kinalaunan ay naging seryeng anime. Ito ay tungkol sa isang pusang robot na naglakbay pabalik ng panahon mula ika-22 dantaon upang tulungan ang isang batang mag-aaral, si Nobita Nobi.” [http://tl.wikipedia.org/wiki/Doraemon]

Kadalasan ang tagpo na umuuwi si Nobita na umiiyak. Si doraemon naman ay lalapit at magtatanong kung anong nangyari. Magku-kwento si Nobita. Maaawa naman si Doraemon sa ma-dramang pagku-kwento ng bidang si Nobita. Mag-iisip si Doraemon. Hanggang maglabas na siya ng isang gadyet mula sa bulsa niya para matulungan ang batang si Nobita. May tunog pa. “Ang mahiwagang blah blah blah.”

Siguro nga’y nag-isip ka rin noon na sana, may dumating din na ‘doraemon’ sa buhay mo… yung doraemon na napaka-bait, sa puntong lahat ng kailangan mo ay ibibigay sa’yo.

Para ngang nangyayari na ang mga ‘yon sa panahon ngayon. Naging madali na para sa’tin halos lahat. Nariyan na ‘yung mga ‘instant’… instant noodles… instant coffee. Teka, puro yata mga instant food ang nabanggit ko.

Pwera biro, wala namang masama sa mga ‘yan. Basta ba hindi tayo nagiging ‘passive’ sa puntong ‘di na tayo kumikilos. Mas magandang ‘di tayo naka-depende sa mga bagay na ‘to. Mas maganda pa ring tayo mismo ang mag-isip ng solusyon sa mga problemang dumarating. Minsan, sa halip kasi na matulungan tayo nito ay lumalala pa ang sitwasyon.

Isipin mo nalang na dapat gumawa muna tayo hanggang sa abot ng ating makakaya. At kapag alam mo na sa sarili mong wala na talagang pag-asa sa kamay mo, doon ka manghingi ng tulong. [Paalala: Di ko sinasabing umasa ka.]

Wala namang nagsabing hindi mo kakayanin.  Aba, ‘pag may nagsabi sa’yo ng ganon, patunayan mo sa kanila na nagkamali sila.

Mauuna na kong magsabi sa’yo. Kaya mo rin yan! Isipin mong kaya mo. Tiwala lang. 😀

PS: Pakiusap, huwag na huwag kang mandaraya!

Photo credits

Featured image:

http://wallpapers.fansshare.com/gallery/photos/14585983/orig/

Top image:

bmegawallpapers.blogspot.com

KWENTONG DYIP: BIYAHENG S.FERNANDO- ANGELES

pinoy_jeepney1

Sumakay ako ng dyip, biyaheng San Fernando- Angeles. At dahil ‘di naman ako sanay sa pagsakay nito, doon ako laging umuupo malapit sa drayber. Ibig sabihin, “I volunteered as a tribute.” Biro lang .Ang ibig kong sabihin, taga-abot ng bayad. Hindi ko naman akalaing magiging masaya pala ang magiging takbo ng biyaheng ‘yon.

Pagsakay ko ay agad akong nagbayad. “Paabot po ng bayad. Fatima po sa Dela Paz, Estudyante po,” sabi ko. Kailangan pa pala kasing sabihin na isa kang estudyante para bigyan ka ng diskwento, kahit na halatang- halata naman dahil nakasuot ka ng uniporme’t ID. Ganun na ba ka-tanda ang pagmumukha ko? Ngunit minsan kahit na sabihin at literal na isigaw mo pa, ‘di pa rin talaga binabawasan ang singil sa’yo na tila ba sila’y nagbibingi-bingihan. Akala mo nga’y wala silang mga anak ,na nag-aaral… na sumasakay din sa mga pampublikong sasakyan tulad ng pinapa-takbo niya.

Dahil bago rin ako, hindi pa pamilyar sa’kin ang mga iba’t ibang termino at pangalan ng lugar. Hanggang may pumara, “Maligaya po, para!” Hala, sinasabi pala muna kung ano yung ‘mood’ bago bumaba. Kinabahan tuloy ako. Ano kayang sasabihin ko mamaya?

May bago na namang sumakay. “Magkano po Pag-ibig?,” tanong ng ale. Pati ba naman pag-ibig, may presyo. Iba na talaga ang panahon ngayon. Nakakapagtaka. (LOL)

“Heto po ang bayad. ‘Sacop’ po.”

“Kalayaan lang po!,” sigaw naman ng isa.

Hala, pagkatapos ng pag-ibig, usapang pagka-makabayan naman . Aliwa talaga! Nagsimula na talagang maging ‘weird’ ang mga tumatakbo sa isip ko ng mga oras na ’yon. Kung alam niyo lang, tawang-tawa na ko sa mga naririnig ko.

May pasaherong nagsalita, “Coca-Cola po.”

“Pepsi mupu, metung.” sabat naman ng katabi niya. Aba, naging tindahan naman ng ‘softdrinks’.

Heto naman si tatay.  “Marlboro, adwa, “ hirit niya. Gusto ko sanang ituro yung “No Smoking” sign. Nahiya lang ako.

Mabuti nalang abot-tanaw ko na ang OLFU. Baka mamaya, mabaliw na ‘ko sa mga naririnig kong pangalan ng lugar. Sa aoras na ‘yun, alam ko na kung anong ‘mood’ ang sasabihin ko bago ako bumaba.

“Masayang- masaya po ko, para!,” paalam ko kay manong drayber.

At iyon nga po ang maikling kuwento ng dyip na nasakyan ko. Talagang kakaiba pero nakakatuwa naman lalo na kung araw-araw mong marirrinig sa dyip mula sa iba’t ibang tao. Mapapa-isip ka talaga.

Meron pa ngang mga pangalan ng santo tulad ng San Agustin, San Isidro at St. Jude. Magiging banal ka talaga.

Oh, baka naman sa sobrang saya mo, lumagpas ka sa pupuntahan mo. Ingat!

PS. Huwag kalimutang magbayad!

Mag-iwan ng inyong mensahe o komento sa ibaba. Ikagagalak ko itong mabasa.

“MALA-SMOKE BELCHING”

images (3)

Isang umaga, kinailangan kong lumabas ng ‘school’ para magpa-xerox ng isang ‘activity ‘ namin para sa ‘Physics’. At dahil maaga pa ng mga oras na ‘yon, naisip ko… “siguro naman, wala pang mga tambay na naninigarilyo roon.” Palagi nalang kasing may mga estudyante’t propesor na nagbubuga… literal na nagbubuga ng usok.  Akala mo nga’y mga tambutso ng sasakyan kung sila’y  maglabas ng usok,  mga ‘mala-smoke belchers’nga  kung ihahalintulad sa sasakyan.  Nasa tabi pa naman din ito ng eskuwelahan. Isama mo pa ang mga usok ng sasakyan. Kaya naman sa tuwing magpupunta roon ay talagang kailangang may panyong dala. Kailangang may panakip ng ilong dahil paniguradong hindi ka makakahinga dahil sa mga usok na naaamoy mo.

Nakakabahala ito gayong meron namang nakalagay na “No Smoking” sign sa tindahang ito, na mismong sila rin nga ay nagbibili ng sigarilyo. At isa pa, may salitang isiningit sa maliit na karatulang ito. Dinagdagan sa ibaba ng salitang “inside” kaya naman naging “No Smoking Inside” na. Oo nga naman. Malinaw na bawal manigarilyo sa loob ng tindahan nila kaya naman sa labas nagpupunta ang mga nagsisindi. Ganun din.

Para sa kaalaman ng lahat, meron batas ang Pilipinas para sa regulasyon ng pagbe-benta ng mga produktong tabako. Nakasaad sa Seksyon 10 ng RA 9211 o “Tobacco Regulation Act of 2003” na  ang pagbebenta o pamamahagi ng produktong tabako ay ipinagbabawal sa loob ng isang daang (100) metro mula sa anumang punto ng paaralan, pampublikong palaruan o iba pang mga pasilidad na madalas na binibisita lalo na ng mga menor de edad. Malinaw, hindi po ba? Malinaw na paglabag ito ng batas. Tignan ang website na ‘to. http://www.gov.ph/2003/06/23/republic-act-no-9211/.

Nakakapagtaka rin na walang ginagawa ang pamunuan ng eskwela tungkol dito. Kung sa bagay, wala naman sa Mission at Vision ng school na bawalan ang mga estudyante nito na manigarilyo at maging adik dito. Teka, sa ‘’institutional core values’’ pala nitong may ‘acronym’ na “ACHIEVER”, inaasahan ng institusyong ito na maging “RESPONSIBLE” sa komunidad ang lahat ng magiging graduate nito. Anong nangyari? Ituro rin sanang maging responsable rin sana sa kalusugan at kapwa.

Narito ang ilang komento ng mga estudyante:

Sabi ni Judy, “masama yung nagiging tingin ng mga‘outsider’ sa school natin kasi andaming naninigarilyo. Dapat lang na pag-bawalan sila.”

”Alam naman nilang masama sa kanila ‘yon pero nagtataka ako kung bakit ginagawa pa rin nila. Dapat kasing ipag-bawal nila ang pagtitinda ng sigarilyo sa tabi ng ‘school’. Nakaka-apekto rin ito sa imahe ng school kaya dapat lang na gumawa sila ng aksyon,” wika naman ni Kate.

Sa palagay naman ni Rhenalyn, “kabawasan ng respeto sa paaralan natin ang paninigarilyo ng mga kapwa natin estudyante. Nagiging masamang impluwensiya tuloy sila sa iba. Ang tingin kasi ng iba ay ‘cool’ ang paninigarilyo kaya naman possible ring gayahin.”

“Maglagay siguro dapat ng paalala o karatula tungkol sa kung gaano kalayo lamang maaaring magbili ng sigarilyo. Nakakasira kasi ito sa paaralan,” suhestiyon naman ni Renz.

Idagdag rin natin ang kakulangan o sabihin na nating wala talagang pagkilos ng lokal na gobyerno sa bagay na ‘to. Buti pa ang ibang siyudad. Seryoso silang maging “smoke-free city” katulad na lamang ng siyudad ng Balanga na noong ika-27 ng Agosto 2014 ay pinarangalan pa bilang isang  “Smoke-Free City”  ng  Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCO) sa mahusay na pagtupad sa pangako nitong protektahan ang kalusugan ng bawat mamamayan nito.* Bisitahin ang ‘website’ ng City of Balanga.(http://cityofbalanga.gov.ph/seatca-smoke-free-city-award-given-to-balanga-city/)

Ang sulating ito ay hindi isang porma ng pagbabatikos kundi isa lamang paalala… paalala na lahat ng institusyon ay kailangang magsama-sama at maging magkatuwang para sa ikauunlad at proteksyon ng kalusugan ng lahat maliban na lamang kung ang institusyon pala ay walang paghahalaga sa buhay.

Lahat tayo ay may parte sa lipunan. Dapat lamang na makiisa upang maging isa… maging isa para sa mithiing mapaunlad at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.

Oh, itigil na ang paninigarilyo. Huwag pasaway! Tama na ang pagiging adik sa nikotina!

Bataan Day: A Celebration of Filipino Heroism

Bataan Day, also known as The Day of Valor, memorializes the remarkable heroism of Filipinos and American soldiers when Japan captured and occupied the Philippines during the World War II. It is on April 9, 1942 when Maj. Gen. Edward P. King of the US army was forced to capitulate not more than 76, 000 Filipino and American soldiers to the Japanese. These soldiers became prisoners of war. They were compelled to walk on a 90-mile trail heading to San Fernando then to Camp O’Donnell in Capas, Tarlac. It was the Bataan Death March. Since it was a nonstop walk, the soldiers experienced extreme starvation that most of them died before they could have arrived at the camp.

The Day of Valor was a national observance until a Letter of Instruction No. 1087, dated on November 26, 1980, preset “Araw ng Kagitingan” a national public holiday to honor the people who helped bring democracy and freedom in the Philippines during the World War II era. Executive Order No. 203, dated on June 30, 1987, further proclaimed April 9 as “Araw Ng Kagitingan” to pay tribute to the heroes of Bataan, Corregidor and Bessang. (http://www.timeanddate.com/holidays/philippines/araw-ng-kagitingan)

In honor to the fallen Filipino and American soldiers, Shrine of Valor (Dambana ng Kagitingan), a 302 ft. memorial cross, has been erected located near the summit of Mt. Samat, in Bgy. Diwa, Pilar, Bataan.

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

For more information about the Mt. Samat Shrine, visit this site: http://www.lakwatsero.com/spots/dambana-ng-kagitingan-shrine-of-valor/.

Discover Bataan, the raging peninsula & cradle of heroes. Visit http://www.bataantourism.com/.

NAWALA NGUNIT NARIYAN PA RIN

blue-gloved-hands-drawing-blood-from-mans-arm

Bakasyon sa bahay– Isang magandang araw na naman ang bumungad pagkamulat ng mata. At dahil katatapos lamang ng mahaba-habang semestre ng paghihirap at pagkakaroon ng konsumisyon sa kolehiyo, taong- bahay naman ang persona o trabaho ko ngayong Abril at Mayo . Kumbaga sa isang pag-aaral, ito ay maihahalintulad sa ‘On the Job Training’ o OJT.  At ‘duty’ naman ‘pag mismong trabaho na. Ganun talaga. Lalo na at nalaman naming hindi pala matutuloy ang ‘summer internship’ naming mga MedTech student para sa Phlebotomy Course [MAPR1] namin. Edi masaya. Iwas gastos dahil wala rin namang  baon o ‘allowance’ na matatanggap mula kina Itay at Inay.

‘Di bale nang walang ‘summer internship’ [MAPR 2], masaya naman si Inay sa pag-aayos ng badyet ng pamilya. Ibig sabihin niyan, mas maraming mabibiling pagkain sa mga pamilihan. ‘Pag maraming pagkain ang nabili, marami ring mailuluto at maihahanda sa hapag, na kakainin at pagsa-saluhan ng buong pamilya. Busog-Lusog nanaman. Lagot naman niyan ‘yung kapa-patahi ko pa lang na uniporme para sa susunod na semestre. ‘Good luck’ nalang sa’kin.

Nagulat ang karamihan. Nalungkot ang mga estudyante sa mga narinig na balita. Ikaw ba naman ang umasa na magkakaroon ka ng ‘experience’ sa mga ospital na pinapangarap mong pagtrabahuhan o kahit saang  lupalop pang ospital.

‘’Pa-asa!’’ Iyan ang naririnig kong pinaparating ng halos lahat ng parte ng utak ko. Gayunpaman, meron ding parte ng utak ko na lumaban at pilit na pina-intindi sa’kin na tama lang ang mga nangyari. May karampatang pananagutan ang aming susuunging laban kung sakaling kami nga ay matuloy sa pagiging ganap na ‘phlebo intern’. Buhay ang kapalit ng kaisa-isa’t katiting na pagkakamali. At nanaig nga ang pagpanig sa mga maestrong pinag-isipan at sinuring tunay ang mga landas na aming tutunguhin.

‘Di naman nawala yung pangarap. Naurong lang. May mga bagay talaga na dapat bigyan at pag-gugulan ng sapat na panahon. May tamang panahon ang lahat. Sa ngayon, gagamitin muna namin ang oras na’to para magpahinga at magpaka-saya sa buhay. Lalo na’t sasabak nanaman kami sa panibagong laban. Kumbaga sa mga ‘adventure games’, ‘yung ‘master’ na  nga ang makakatapat namin pagtungtong  ng Hunyo.

Hear me out!

Since we have the right to communicate and the right to be heard, this blog, in general, is intended to express ideas from a student’s viewpoint.

Most compositions to be posted are written in Filipino. This is to show loyalty to the Pearl of the Orient Sea, Philippines. So, deal with it.

The author of this site humbly accepts contributors who are willing to share their nice compositions.

Say yes to sharing of ideas!